Hagedorn nagpiyansa sa kasong katiwalian

National News

Nagpiyansa si dating Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn dahil sa kasong perjury.

Hindi umano tama ang pagdedeklara nito ng assets sa kanyang statement of assets, liabilities and networth.

Nahaharap si Hagedorn sa siyam na bilang ng graft, ethical violations at perjury sa kabiguan nitong ideklara ang 59 na ari-arian at 49 na sasakyan mula 2004 hanggang 2012.

Kabuuang 180 thousand pesos ang ipinosteng piyansa ni Hagedorn.

Una nang itinanggi ni Hagedorn na itinago niya ang kanyang assets sa kanyang SALN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *