Houston Rockets pinataob ang OKC sa NBA

Sports

Ipinahiya ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder sa paghaharap ng mga ito sa National Basketball Association (NBA), sa score na 137-125.

Pinangunahan ni James Harden ang Rockets sa kanyang double-double performance na 22 points at 12 assist.

Samantalang nag-ambag ng 31 points si Lou Williams na nagpakawala rin ng pitong 3-pointer.

Si Russell Westbrook naman ang nanguna para sa OKC na nagtala ng kanyang ikatatlumpu’t anim na triple double.

Hawak ngayon ng Rockets ang 51-22 win loss record sa NBA.

Sunod na makahaharap ng Rockets ang Golden State Warriors sa Martes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *