Liga ng mga Barangay pumalag sa planong pagtatanggal sa barangay elections

National News

Umapela ang Liga ng mga Barangay sa Administrasyong Duterte na linawin ang plano nitong pagtatanggal sa barangay elections at pagtatalaga ng barangay officials.

Ayon kay Liga ng mga Barangay President Attorney Edmund Abesamis, hindi malinaw kung kasali ba sa papalitang barangay officials ang mga tapat at walang bahid ng katiwalian.

Iginiit din ni Abesamis na ang nasabing plano ay paglabag sa local government code na nagsasaad na karapatan ng mga botante na pumili at maghalal ng mamumuno sa barangay.

Inaasahan namang maglalabas ng opisyal na pahayag ang Liga ng mga Barangay sa unang linggo ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *