Metro Manila mas ligtas panirahan ayon sa survey

National News

as ligtas daw tumira ngayon sa Metro Manila kasunod ng kampanya ng pamahalaan kontra-iligal na droga.

Ito ay base sa survey ng Pulse Asia, kung saan ay 82 percent ng mga taga-Metro Manila ang nagsabing ligtas o ‘feel safer’ ang pakiramdam nila kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng drug war.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 6-11 limang buwan matapos ipatupad ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Magugunitang sinuspindi ng pangulo ang partisipasyon ng Philippine National Police (PNP) sa anti-drug war matapos masangkot ang ilang tauhan nito sa pagdukot at pagpatay kay South Korean national Jee Ick-joo sa loob mismo ng PNP headquarters sa Camp Crame.

Muling inilunsad ng PNP ang anti-illegal campaign matapos silang payagan ni Pangulong Duterte noong Marso 6 at tinawag na itong “Double Barrel Reloaded, Tokhang Revisited.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *