PNP, MTRCB nagkasundo sa tamang pagsusuot ng police uniform

National News

Lumagda ang Philippine National Police (PNP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isang memorandum of agreement para sa tamang pagsusuot ng police uniforms sa mga programa sa telebisyon at pelikula.

Pinangunahan nina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, MTRCB Chairman Rachel Arenas at MTRCB Board member Mocha Uson ang aktibidad.

Dumalo rin sa memorandum of understanding (MOU) signing si Department of Tourism Secretary Wanda Teo kasabay ng International Women’s Month, kung saan ay ibinida nito ang mga naging tagumpay ng kababaihan, lalo na sa police service.

Ayon kay Teo, hindi matatawaran ang mahahalagang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *