Resulta ng survey ng Pulse Asia sa war on drugs ikinatuwa ng NCRPO

National News

Ikinatuwa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang resulta ng survey ng Pulse Asia na 82 percent umano ng mga nakatira sa Metro Manila ay nakaramdam na mas ligtas sila dahil sa kampanya kontra- droga ng pamahalaan.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Disyembre 6 hanggang 11 ng nakaraang taon o limang buwan mula nang magsimula ang war on drugs.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, patunay ito na nakita ng publiko na sa unang limang buwan ng war on drugs ay naging tahimik at payapa sa mga lansangan.

Ituturing naman aniya ng NCRPO na ‘driving force’ ang resulta ng nasabing survey para pagbutihin pa ang kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *