Robredo tumangging magkomento tungkol sa dinner invitation ni Duterte

National News

Tahimik ang kampo ni Vice President Leni Robredo hinggil sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-dinner sa Malacañang.

Mailap ang bise-presidente na pag-usapan ang nasabing imbitasyon ng pangulo.

Una nang kinumpirma ng palasyo ang pag-imbita ni Duterte kay Robredo para sa isang dinner nang kapwa sila dumalo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) noong Biyernes.

Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na wala pang petsa kung kailan ang nasabing dinner invitation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *