Tinanggal ni Duterte dahil sa kurapsiyon umabot na sa 92

National News

Umabot na sa 92 opisyal at empleyado ng gobyerno ang sinipa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang puwesto dahil sa isyu ng kurapsiyon.

Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa groundbreaking ceremony ng isang drug treatment and rehabilitation center sa Malaybalay, Bukidnon, muling binanggit ng pangulo ang pangako niya na wawakasan ang kurapsiyon sa pamahalaan.

Bagama’t hindi pinangalanan, ibinigay pang halimbawa ng pangulo ang isang tao niya mula pa noong 1988 na sinibak din niya sa puwesto dahil sa kampanya sa laban sa katiwalian.

Karamihan aniya sa kanyang mga tinanggal sa puwesto ngayon pa lamang buwan ng Marso ay mula sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *