Alvarez kinasuhan ng graft ang kaalyadong mambabatas

National News

Sinampahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng kasong graft sa Ombudsman ang kaalyado at kapwa mambabatas na si Davao del Norte Representative Antonio Floirendo.

May kaugnayan ito sa umano’y interes nito sa isang land deal sa kanyang plantasyon ng saging na Tagum Agricultural Development, Inc. (TADECO) samantalang kongresista pa ito.

Ani Alvarez, para sa kapakanan ng bayan kaya’t naghain siya ng kasong katiwalian sa kabila ng pagiging magkaalyado nila.

Ang ama ni Floirendo na si Antonio Floirendo, Sr.  ang pinakamalaking campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang eleksiyon.

Itinanggi rin ni Alvarez na kaya niya sinampahan ng kaso si Floirendo dahil sa ito umano ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang speaker.

Sa kanyang inihaing reklamo, sinabi ni Alvarez na nag-renew ang TADECO ng joint venture agreement sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagpapaupa ng nasa higit 5,000 ektaryang lupa sa Davao Penal Colony para i-convert bilang taniman ng saging.

Naghain din ng resolusyon si Alvarez para paimbestigahan ang umano’y maanomalyang transaksiyon sa pagitan ng BuCor at TADECO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *