Criminal investigation vs Bautista sa isyu ng ‘comeleak’ itutuloy

National News

Nakakita ang National Privacy Commission (NPC) ng sapat na ebidensiya para ituloy ang criminal investigation laban kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista sa isyu ng ‘comeleak.’

Sa isang pulong-balitaan sa Malacañang, sinabi ni NPC Commissioner Raymond Liboro na base ito sa kanilang isinagawang imbestigasyon sa nangyaring hacking at data breach sa COMELEC website.

Dagdag pa ni Liboro, nagpalabas na rin ang NPC ng compliance order sa ikalawang data breach incident sa computer server ng municipal office ng COMELEC sa Wao, Lanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *