DOH nagbabala sa mga sakit na maaaring makuha sa public pools

National News

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na posibleng makuha sa paglangoy sa public swimming pools ngayong tag-init.

Marami umanong sakit partikular sa balat ang maaaring makuha, lalo na kung marumi ang mga swimming pool.

Kabilang na sa mga sakit na ito ang sore eyes, ear infections, hadhad, buni at pigsa.

Posible namang magkaroon ng gastroenteritis na makukuha sa salmonella o E.coli kapag nakainom ng tubig o pneumonia kapag pumasok sa ilong ang tubig at dumiretso sa baga.

Payo ng DOH na mag-shower muna bago lumublob sa swimming pool.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *