Impeachment complaint sunod na ihahain ni Belgica vs Morales

National News

Hindi nagpatinag si dating Manila Councilor Greco Belgica kahit pa nabasura ang kanyang disbarment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sa isang statement, sinabi ni Belgica na ang pagpapa-impeach naman kay Morales ang kanyang susunod na hakbang.

Pero sa kabila nito’y nirerespeto umano niya ang Ombudsman at Korte Suprema na nagdesisyon noon na labag sa Konstitusyon ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Hinimok din ni Belgica ang mga ahensiya ng gobyerno na imbestigahan ang mga posibleng isampang kaso sa mga nang-abuso sa pork barrel kasama ang DAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *