Malacañang iginiit na may kapangyarihan ang pangulo na magtalaga ng barangay officials

National News

Iginiit ng Malacañang na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng barangay officials.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kakailanganin ng batas para maipagpaliban ang barangay elections sa Oktubre at madeklarang bakante ang posisyon ng mga opisyal.

Sinabi rin ni Abella na sa ilalim ng Administrative Code of the Philippines ay may kapangyarihan ang pangulo na punan ang mga nabakanteng posisyon.

Nag-ugat ang nasabing plano ni Duterte matapos na mapag-alamang apatnapung porsiyento umano ng barangay officials ay sangkot sa iligal na droga.

Inahain naman kahapon sa Kamara ang panukala para ipagpaliban ang barangay elections hanggang taong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *