Maynilad magkakaroon ng water interruption simula ngayong araw

National News

Magkakaroon ng water service interruption ang Maynilad sa ilang bahagi ng Las Piñas City, Parañaque City at Pasay City dahil sa maintenance activity.

Sa abiso ng Maynilad, magsisimula ang water interruption sa Parañaque at Pasay mula alas-diyes mamayang gabi, hanggang alas- kuwatro ng hapon bukas Marso abente nuwebe samantalang hanggang alas-kuwatro naman sa Las Piñas City.

Kabilang sa mga maaapektuhang barangay sa Las Piñas ay ang BF International Village, Daniel Fajardo, Elias Aldana, Ilaya, Manuyo Uno at Manuyo Dos.

Sa Parañaque ay ang mga Barangay Baclaran, BF Homes, Don Galo, La Huerta, Moonwalk, San Dioniso, San Isidro, Sto. Niño, Tambo at Vitales.

Samantalang sa Pasay City ay ang mga barangay 10 hanggang 13, 24 hanggang 32, 38 hanggang 40, 76 hanggang 79, 145 hanggang 179, 181 at 183 hanggang 199.

Pinapayuhan naman ang mga maaapektuhan ng service interruption na mag-imbak ng sapat na tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *