P3.7 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Mountain Province

Regional

Nasabat ng pulisya ang tinatayang P3.7 milyong halaga ng marijuana sa Bayan ng Bauko sa Mountain Province.

Arestado ang tatlong suspek na kinilalang sina Kerwin Ortega, John Cario Reynera at Angelito Puedan Dilao.

Sakay umano ng bus ang tatlo nang harangin sa isang checkpoint sa Barangay Sinto.

Napag-alamang mga residente ng Sampaloc, Maynila ang mga suspek at patungo sana ang mga ito sa Bayan ng Bontoc nang masakote ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *