Priority seat sa matatanda inihain sa Senado

National News

Naghain si Senador Grace Poe ng isang panukalang batas na magbibigay ng priority seat sa matatanda sa mga pampublikong transportasyon.

Sa Senate Bill 1367 na inihain ni Poe, nais nitong maamyendahan ang ilang probisyon sa Republic Act 7432 o ang Expanded Senior Citizens Act para sakupin na ang mga jeep, bus, tren, barko at eroplano.

Ayon sa senadora, wala sa nasabing batas ang Accessibility Law na nagsasaad na dapat ay may mga poster sa mga pampublikong transportasyon, lalo na sa mga eroplano at barko na nagpapaalaala sa priority seat sa matatanda at persons with disabilities (PWDs).

Nais ni Poe na ang mga upuan malapit sa mga entrance door sa mga barko at eroplano ay ireserba sa matatanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *