Resulta ng Pulse Asia Survey, pabor sa PNP — Dela Rosa

National News

Pabor umano sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang inilabas na survey ng Pulse Asia.

Naniniwala si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na tama ang survey, kung saan ay mas marami sa mga Pinoy ang nagsasabing mas ligtas sila ngayon kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon kay Dela Rosa, wala siyang pakialam sa mga komento at kritisismong ibinabato ng European Union at maging ng US sa war on drugs ng PNP at ng Pamahalaang Duterte.

Giit ni PNP chief na ang taumbayan ang makapagsasabi kung matagumpay ang pulisya sa kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Sa nasabing survey, 81% ng mga Pinoy sa buong bansa ang nagsabing nararamdaman nila na mas ligtas sila ngayon kumpara noong isang taon dahil na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *