Star point guard Mark Barroca itinanghal na ‘PBA Player of the Week’

Sports

Iginawad kay star hotshot point guard Mark Barroca ang “Philippine Basketball Association (PBA) Player of the Week” award matapos na maging susi sa dalawang sunod na panalo ng koponan sa 2017 Commissioner’s Cup.

Dinaig ni Barroca para sa nasabing titulo ang teammate na sina PJ Simon, Jared Dillinger at Baser Amer ng MERALCO Bolts, Maverick Ahansimi ng Rain or Shine, Bryan Cruz ng Alaska, Ryan Araña ng Mahindra at Jayson Castro ng TNT KaTropa.

Nagpakawala si Barroca ng 17 puntos para sa panalo ng Star kontra-Phoenix noong nakaraang Miyerkules sa iskor na 101-82.

Pagkalipas ng tatlong araw, nagtala naman siya ng walong puntos, limang rebounds, limang assists at dalawang steals para pataubin ang GlobalPort sa iskor na 103-77.

Kabilang na ang hotshot sa MERALCO, Rain or Shine at Alaska na wala pang naitatalang talo sa mid conference.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *