Sunog sumiklab sa bahagi ng isang hotel sa Makati

Metro News

Sumiklab ang isang sunog sa bahagi ng New World Hotel sa Pasay Road, Makati City.

Sa statement ng pamunuan ng New World Hotel, nagsimula ang sunog sa basement na agad namang naapula ng Makati Fire Department.

Tiniyak din ng pamunuan ng hotel na walang nasugatan sa insidente.

Naibalik na rin sa normal ang operasyon ng hotel at nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *