Westbrook naitala ang ika-37th triple-double sa NBA

Sports

Hindi maawat si Oklahoma City Thunder point guard Russell Westbrook sa ipinakikita nitong performance sa regular season ng National Basketball Association (NBA).

Naitala ni Westbrook ang kanyang ika-37th triple-double sa panalo ng OKC kontra- Dallas Mavericks sa score na 92-91.

Nagpakawala ng game winning shot si Westbrook upang makuha ang kalamangan at maipanalo ang OKC.

Kumarta si Westbrook ng 37 points, 13 rebounds at 10 assists.

Sunod na makahaharap ng Thunder ang Orlando Magic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *