Golden State Warriors nasungkit ang 8th straight wins sa NBA

Sports

Pinataob ng Golden State Warriors ang Houston Rockets sa paghaharap ng mga ito sa National Basketball Association (NBA), sa score na 113-106.

Nanguna sa opensa ng Warriors si Stephen Curry na kumamada ng 32 points, 10 rebounds at 7 assist samantalang nag-ambag ng 25 points si Klay Thompson.

Hindi naman sumapat ang triple-double performance ni Rockets star James Harden na 24 points, 11 rebounds at 12 assists.

Ito na ang ikawalong sunod na panalo ng Warriors.

Hawak na ng Warriors ang 60-14 record samantalang 51-23 ang Rockets.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *