‘I will kill you’ remarks hindi magagamit laban kay Duterte

National News

Hindi maaaring mapanagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa drug-related killings sa bansa dahil lamang sa madalas nitong ibulalas na “I will kill you!”

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, dapat suportado ng mga datos ang akusasyon na si Duterte ang nasa likod ng mga umano’y extrajudicial killings (EJKs).

Hindi aniya ebidensiya ang mga remark ni Duterte na humihikayat sa mga pulis na patayin ang mga nanlalabang drug suspects.

Sinabi naman ni Gana na wala pang nakukuhang pruweba ang CHR na state-sponsored ang vigilante-style killings.

Ang nakikita pa lang umano ng CHR ay ang pagkakasangkot ng ilang security forces sa mga nasabing pagpatay.

Nitong Lunes, naglabas ng video documentary ang New York Times na pinamagatang “When a president says i’ll kill you” kaugnay ng nagaganap na war on drugs sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *