Isinampang kaso ni Alvarez vs Floirendo pulitika lang

National News

Pulitika ang nakikitang dahilan ni Davao del Norte Representative Antonio Floirendo sa pagsasampa ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng kaso laban sa kanya.

Ani Floirendo, nangyari ang pagsasampa ng kaso matapos ang mga usap-usapang siya ang nasa likod ng pagpapaalis kay Alvarez bilang House speaker.

Pero itinanggi ito ng mambabatas.

Aniya, wala siyang papel sa nasabing planong pagpapatalsik pero matapos lumutang ang isyu ay hindi na siya kinakausap ni Alvarez.

Bagama’t aminadong nasaktan, sinabi ni Floirendo na itinuturing pa rin niyang kaibigan si Alvarez.

Ang dalawang mambabatas ay matalik na magkaibigan at si Floirendo ang nag-endorso sa kandidatura ni Alvarez na naging dahilan para manalo ito sa pagkakongresista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *