Mercado tumestigo vs Ginang Binay sa Sandigan

National News

Humarap sa Sandiganbayan si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado para tumestigo laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay.

Ito ay may kaugnayan sa mga alegasyon ng katiwalian at pagwaldas ng pondo ni Binay noong alkalde pa ng Makati.

Sa pagdinig, inusisa ng mga mahistrado si Mercado kung paano ito nakakuha ng mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyong magdidiin sa dating alkalde.

Ayon kay Mercado, mismong si dating Vice President Jejomar Binay ang nagbigay sa kanya ng mga dokumento noong magkaalyado pa sila.

Samantala, pinayagan naman ng Sandiganbayan ang hirit ni Ginang Binay na makalabas ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *