Multa sa traffic violations dodoblehin ng MMDA

Metro News

Plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na doblehin ang multa sa lahat ng traffic violations.

Ito umano ay para masawata ang mga pasaway na motorista at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada.

Pero ayon kay MMDA acting Chairman Thomas Orbos, hihingin pa nila ang permiso mula sa mga alkalde sa Metro Manila.

Ani Orbos, hindi na natatakot na sumuway sa batas-trapiko ang ilan dahil mababa ang multa.

Sa magiging pulong ng MMDA sa mga alkalde ng mga siyudad sa Metro Manila, ipanunukala ni Orbos ang pagdoble ng multa mula illegal parking hanggang driving without license, jaywalking, pagmamaneho ng motorsiklo na walang helmet, paggamit ng cellphone samantalang nagmamaneho at maging ang pagsusuot ng sando at tsinelas ng mga tsuper sa pamamasada.

Sa ngayon, P150 ang pinakamababang multa sa mga violation gaya ng pambabastos sa traffic enforcers, hindi paggamit ng seatbelt at jaywalking.

Pinakamataas naman ang pagmamaneho ng kolorum na sasakyan at drag racing sa ibang siyudad na may multang aabot sa limang libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *