Seguridad sa nalalapit na Holy Week inilatag na ng PNP; ‘Oplan Sum-Vac 2017,’ kasado na

National News

Nakahanda na ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ipatutupad na seguridad sa matataong lugar para sa nalalapit na Holy Week.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, nakapuwesto na sa matataong lugar ang kanilang mga tauhan.

Sinabi pa ni Carlos na nakalatag na ang seguridad na kanilang ipatutupad sa mga terminal ng mga pampublikong transportasyon tulad ng mga istasyon ng bus, daungan, paliparan maging sa mga simbahan.

Nakahanda na rin ang mga tauhan ng PNP na poposte sa mga police assistance desk na siyang tutugon naman sa pangunahing pangangailangan ng publiko.

Samantala, kasado na rin ang “Oplan Summer Vacation 2017” ng PNP.

Ito ay bilang paghahanda sa papalapit na bakasyon at Semana Santa.

Ayon kay Carlos, magtatapos ang “Oplan Sum-Vac” sa Hunyo kung kailan dagsa ang mga magsisiuwian mula sa probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *