Alvarez hindi itinangging may girlfriend

National News

Sinagot ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pahayag ng live-in partner ni Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo patungkol sa away niya sa girlfriend nito.

Hindi itinanggi ni Alvarez na girlfriend nito ang isang Jennifer Villavicencio na tinukoy ng partner ni Floirendo na si Cathy Binag.

Aniya, hiwalay na raw sila ng asawang si Emelita at matagal nang hindi magkasama.

Pero kinastigo ni Alvarez si Binag sa pagda-divert nito ng isyu mula sa reklamo niya laban kay Floirendo.

Nilinaw rin ni Alvarez na hindi inconsistent ang situwasyon niya ngayon sa situwasyon ni Senadora Leila De Lima.

Aniya, hindi naman niya binatikos ang relasyon ng senadora sa dating driver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan dahil ang pagkakasangkot ni De Lima ang kanyang pinupuna.

Handa rin si Alvarez na harapin ang kaso kung kukuwestiyunin ang ethics nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *