BOC Commissioner Faeldon hindi papalitan

National News

Pinabulaanan ng Malakanyang ang balitang papalitan na si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi totoo ang balitang may nilagdaang appointment paper si Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga sa isang indibidwal bilang kapalit ni Faeldon sa BOC.

Ayon kay Abella, walang opisyal na pahayag ang tanggapan ni Medialdea para sibakin si Faeldon sa BOC at ang magiging kapalit daw nito ay isang “Victorino.”

Ayon sa ahensiya, disinformation lang ang kumalat na text messages sa harap ng maigting na pagsugpo sa kurapsiyon sa BOC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *