Dela Rosa hinarap ang pulis na naaresto sa pot session

National News

Galit na hinarap ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang isang pulis na naaresto matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Barangay Talon 4, Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Police Superintendent Lito Dumandan Cabamongan na siyang hepe ng Alabang Satelite Office ng PNP Crime Laboratory Service.

Ayon kay Dela Rosa, titiyakin niyang masisibak sa puwesto ang nasabing opisyal.

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kasamang naaresto ni Cabamongan ang isang babaeng residente sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *