‘Kasakiman’ dahilan ng Ombudsman complaint ni Alvarez vs Floirendo

National News

Dahil sa ‘kasakiman sa pera, kapangyarihan at impluwensiya’ ang dahilan ng away sa pagitan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo.

Sa isang statement, kinumpirma ng live-in partner ni Floirendo na si Cathy Binag na nagsimula nga ang gusot sa pagitan ng dalawang mambabatas sa naging away niya at ng girlfriend ni Alvarez na si Jennifer Vicencio sa Masskara Festival sa Bacolod noong 2016.

Pero paglilinaw ni Binag, labas na siya sa paghahain ng reklamo ni Alvarez sa Ombudsman laban sa partner niyang si Floirendo.

Si Alvarez ay kasal kay Emelita Alvarez samantalang si Floirendo na pinakamalaking campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hiwalay na sa dating asawang si 1973 Miss Universe Margie Moran.

Nag-sorry naman si Binag sa pamilya ni Alvarez at sinabing hindi niya intensiyong idamay ang mga ito sa kontrobersiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *