Bilateral agreement dapat nang mapirmahan para matukoy ang may kontrol sa units ng NPA

National News

Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines na dapat nang mapirmahan ang bilateral agreement sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na makatutulong ito sa pamahalaan para matukoy kung may kontrol pa rin sa kanilang NPA units ang liderato ng CPP.

Ayon kay Padilla, kapag nagkaroon na ng lagdaan kung saan may mekanismo ng nakalatag at third party facilitators ay makikita na kung sino ang may hawak at kontrol sa overall units ng NPA.

Naniniwala ang militar na kontrolado pa rin ng CPP leadership ang lahat ng units ng NPA.

Ani Padilla, kung sakaling nagpatuloy pa rin ang mararahas na pag-atake ng rebeldeng grupo at hindi ito makokontrol ng kanilang liderato ay maliwanag na mali ang mga taong kinakausap ng pamahalaan para isulong ang kapayapaan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *