Duterte binisita ang mga sundalong sugatan sa Mindanao

National News

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sampung sundalong sugatan sa nangyaring engkuwentro sa magkaibang lugar sa Mindanao.

Nagpahayag ng simpatiya si Pangulong Duterte sa nasabing mga sundalo.

Nagbigay rin ng parangal at cash assistance ang pangulo sa mga sundalong naka-confine sa Saint Ignatius de Loyola Chapel sa Camp Evangelista, Barangay Patag, Cagayan de Oro City.

Giit ni Duterte, na bago magbalik sa peace negotiating table ang gobyerno ay dapat na tuluyang itigil ng komunistang grupo ang pangingikil at pandudukot sa mga sundalo at pulis, gayundin ang pang-aatake sa puwersa ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *