Duterte ipinagtanggol si Alvarez sa pagkakaroon ng GF

National News

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duerte si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos nitong aminin na mayroon itong karelasyon bukod pa sa asawa nito.

Ayon sa pangulo, lahat ng mga opisyal sa bansa ay maaaring matanggal sa puwesto kung ang pagiging tapat sa asawa ang sukatan sa public service.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro.

Sinabi pa ni Duterte, na sino raw ba sa mga mambabatas sa ngayon ang walang kaligayahan mula sa mga karelasyon bukod pa sa kani-kanilang mga asawa?

Kasabay nito, binatikos din ng pangulo ang European Union (EU), simbahang Katoliko at iba’t ibang media outfits sa bansa dahil sa pagiging kritiko sa kampanya ng pamahalaan kontra-iligal na droga.

Muling pinasaringan din ng pangulo ang mga pari sa pagsasabing ang mga ito raw ay katulad din nilang may mga asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *