Gobyerno, nagtatagumpay na laban sa rebeldeng komunista — Duterte

National News

Nagtatagumpay na ang gobyerno laban sa mga rebeldeng komunista.

Ayon sa pangulo, marami nang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bumababa sa mga bundok para mamuhay nang matiwasay.

Sinabi pa ni Duterte na marami umano sa NPA ang hindi nakikinabang sa malaking halaga ng pondong nakokolekta ng kilusan.

Muli namang inihayag ni Duterte ang kanyang mga kondisyon para sa pag-usad ng peace talks.

Ang mga ito ay ang bilateral ceasefire sa pagitan ng NPA at ng tropa ng pamahalaan, paghinto ng NPA sa panununog at pagkolekta ng tinatawag na revolutionary tax. Dapat ding tigilan ng NPA ang pag-angkin sa mga teritoryo sa bansa at pagpapalaya sa lahat ng mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *