Malakanyang tiniyak ang proteksiyon kay Aquino kasunod ng inilabas na arrest warrant ng NDF

National News

Tiniyak ng Malakanyang ang proteksiyon para kay dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang personalidad.

Ito ay matapos ipag-utos ng National Democratic Front (NDF) sa Southern Mindanao na dakpin si Aquino dahil umano sa crimes against humanity at iba pang paglabag sa international human rights law sa nangyaring Kidapawan massacre.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na mayroon lamang iisang gobyerno at justice system sa bansa na magdedesisyon kaugnay ng nangyaring dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City.

Bukod kay Aquino, kinasuhan din ng NDF sina North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Representative Nancy Catamco at ilan pang Government of the Republic Of The Philippines (GRP) civilian personalities, military at police officials.

Ayon sa NDF, nakitaan umano ng ‘people’s democratic government’ ng ‘compelling evidence’ sina Aquino at iba pang personalidad kaugnay ng Kidapawan massacre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *