Napaslang na si Mayor Espinosa may pinatay umanong 4 na pulis

National News

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na apat na pulis ang pinatay umano ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. bago pa ito makulong at kalaunan ay mapaslang sa loob ng selda nito.

Ayon kay Duterte, kilala si Espinosa sa panunuhol sa mga pulis at pagpatay sa apat na pulis na tutol sa bentahan ng iligal na droga sa Leyte.

Kinastigo rin ng pangulo ang midya sa mga ulat na ipinostura si Espinosa na para umanong isang bayani.

Inulit naman ni Duterte ang plano niyang bigyan ng pardon ang grupo ni Superintendent Marvin Marcos na nagsilbi ng search warrant sa selda ni Espinosa at nakapatay sa alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *