PCG naglunsad ng kauna-unahang maritime patrol flight sa Benham Rise

National News

Nagsagawa ng kauna-unahang maritime patrol flight ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Benham Rise na bahagi ng continental shelf ng bansa.

Gamit ang eroplano, nagpatrolya ang PCG sa lugar hanggang sa boarder ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ay para tingnan kung may ibang barko o aircraft sa Benham Rise.

Magugunitang una nang nagsagawa ng survey ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy (PN) sa lugar noong nakaraang linggo.

Ang Benham Rise ay bahagi ng EEZ na pinaniniwalaang mayaman sa natural resources gaya ng gas at mineral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *