Senior citizens na walang SSS, GSIS pension maaaring makatanggap ng social pension

National News

Inihayag ni Iloilo City Social Welfare and Development Officer Fred Villanueva, na kuwalipikadong makatanggap ng social pension ang indigent senior citizens o ang mga walang tinatanggap na pension mula sa SSS o GSIS.

Sinabi ni Villanueva na makatatanggap ng limandaang piso kada-buwan ang bawat senior citizen na kuwalipikado.

Ito ay kung maaaprubahan na ang social pension for indigent senior citizen.

Kailangan lamang sa mga aplikante ay magbigay ng certificate of indigency mula sa barangay, kung saan sila kasalukuyang naninirahan at identification card (ID).

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *