Supporters ni Duterte nag-rally sa Luneta para sa ‘palit-bise’

National News

Nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Park para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Vice President Leni Robredo.

Tinawag ang naturang rally bilang ‘palit- bise’ na dinaluhan naman ng ilan sa mga kilalang kritiko ni Robredo kagaya ni Mocha Uson, mang-aawit na si Jimmy Bondoc at abugadong si Bruce Rivera.

Si Rivera ay bahagi ng grupong naghahanda ng impeachment complaint laban kay Robredo.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni Pangulong Duterte na dapat nang itigil ang impeachment laban kay Robredo.

Giit ng organizers, na hindi funded ng sinumang pulitiko ang naturang pagtitipon.

Pero may mga nag-donate umano na umabot pa nang mahigit 46,000 dollars o 2.3 milyong piso.

Una nang sinabi ni Bondoc na ang naturang rally ay para ipanawagang tigilan na ang partisanship sa pulitika.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *