Hepe ng QCPD-District Traffic Enforcement sinibak sa puwesto dahil sa isyu ng pangongotong ng mga pulis

Metro News

Sinibak na sa puwesto ang hepe ng QCPD-District Traffic Enforcement Unit dahil sa isyu ng pangongotong ng mga pulis.

Si SPO4 Rodentor Cruz Fajardo na immediate supervisor ng dalawang pulis na naaktuhang nangongotong samantalang nagsasagawa ng random anti-smoke belching test sa Quezon City.

Sinibak na rin ng QCPD ang nahuling mga pulis na sina PO3 Anthony Tecson at PO2 Raul Nadera.

Pormal nang sinampahan ng kasong robbery extortion ang dalawang kotong cops ng QCPD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *