Karagdagang kaso vs Mighty Corporation pinaghahandaan ng BIR

National News

Naghahanda na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para maghain ng nasa tatlong tax evasion cases laban sa Mighty Corporation matapos ang serye ng mga raid sa mga warehouse nito.

Noong Marso ay naghain ng P9.56 bilyong tax evasion complaint sa Department of Justice (DOJ) ang BIR sa Mighty Corporation dahil sa mga sigarilyo na umano’y may pekeng tax stamps sa kanilang warehouse sa Pampanga.

Mas marami pang sigarilyong may pekeng tax stamps ang nadiskubre sa container van ng kumpanya sa Tacloban City.

Nakumpiska rin ang nasa P215 milyong halaga ng sigarilyo sa General Santos City.

Noong nakaraang linggo ay nasabat din ang nasa P3.2 bilyong halaga ng sigarilyo na mayroon ding pekeng tax stamps.

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, bukas sa kompromiso o areglo ang gobyerno pero dapat ay maihain muna ang mga kaso laban sa Mighty Corporation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *