Ex-DILG Chief Alunan posibleng ipalit sa sinibak na si Sueno

National News

Posible umanong ipalit sa nasibak sa puwestong si Ismael “Mike” Sueno si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Raffy Alunan.

Ito ang inihayag ni Engineer Marshall Jocson, regional director ng President Rodrigo Roa Duterte People’s National Movement to Federalism Advocacy matapos umanong mawalan ng trust and confidence si Pangulong Duterte.

Si Alunan ay kasama sa senatorial slate ng pangulo noong nakaraang eleksiyon at dati nang naging DILG secretary noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *