Mag-asawang miyembro ng ISIS na naaresto sa Taguig hiniling na ipa-deport agad

National News

Hiniling ng bansang Kuwait na agad ipa-deport ng Pilipinas ang dalawang nahuling miyembro ng teroristang grupong ISIS.

Ang mag-asawang suspek na terorista ay nahuli sa BCG sa Taguig matapos makatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad na miyembro ng ISIS ang dalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Hussein Aldhafiri at asawang si Rahaq Zina na parehong Syrian nationals.

Ang suspek na si aldhafiri ay sangkot umano sa manufacturing ng pampasabog at kinumpirma ng pamahalaan ng Kuwait na miyembro ang mga ito ng teroristang grupong ISIS.

Nakapasok ang dalawa sa bansa mula sa bansang Qatar at nakabiyahe na rin daw sa Davao noong Enero.

Sa ngayon ay pansamantala munang ilalagay sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) o Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mag-asawang terorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *