PNP Crime Lab aminadong maraming pulis ang nakalulusot sa random drug test

National News

Aminado ang Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na posibleng maraming pulis ang nakalulusot sa kanilang isinasagawang random drug test.

Base sa tala ng PNP, umaabot na sa 216 na pulis mula sa kabuuang 160,000 strong PNP personnel sa buong bansa ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, kasama na si Police Supt. Lito Cabamongan.

Ayon kay PNP Crime Lab Director, Chief Supt. Aurelio Trampe, ang nasabing bilang ay simula nang umupo ang Administrasyong Duterte.

Sinabi ni Trampe na ang mga nagpositibong pulis sa isinagawang confirmatory test ay pawang mga tinanggal na sa kanilang mga puwesto at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *