AFP target na ‘mapulbos’ ang ASG sa loob ng 3 buwan

National News

Kumpiyansa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na kaya nilang lipulin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Mindanao sa loob ng tatlong buwan.

Patunay raw ang mga inilulunsad na operasyon ng militar laban sa mga bandido na nakabase sa Lalawigan ng Sulu.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier Gen. Restituto Padilla, na umaasa rin ang militar sa suporta ng komunidad at ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang giyera laban sa mga bandidong grupo.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang problema sa bandidong grupo sa loob ng anim na buwan.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng pangulo kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año na gamitin ang lahat ng available military assets para buwagin ang teroristang grupo.

Target ng militar na ma-rescue ang higit pa sa dalawampu’t apat na bihag na hawak ngayon ng teroristang Abu Sayyaf sa Probinsiya ng Sulu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *