Dela Rosa idineklarang ‘adopted son’ ng Mt. Province

National News

Idineklarang ‘adopted son’ ng Montanosa sa Mountain Province si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Iginawad ang parangal kay Dela Rosa sa isinagawang ‘cultural adoption’ rite kasabay ng 50th foundation day ng Lalawigan.

Si Dela Rosa ay binigyan ng pangalan na “Muling” na ang ibig sabihin ay ‘unbreakable one’ at ‘firm’ sa salita ng mga Igorot.

Ang pagbibigay-parangal ay pinangunahan ni Mt. Province Governor Bonifacio Lacwasan, Jr.

Labis namang ikinagalak ng PNP chief ang pagiging ‘adopted son’ ng Mt. Province.

Maliban kay Dela Rosa, noong Abril 2008 ay kinilala ring ‘adopted’ son ng Mt. Province si dating Senador Bong Revilla, na pinangalanang “Oddagan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *