Duterte tumulak na patungong ME

National News

Tumulak na patungong Middle East (ME) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang state visit sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Sa kanyang departure speech, sinabi ni Duterte na layunin ng kanyang state visit sa Saudi Arabia ang mapalawak pa ang kooperasyon nito sa depensa, kalakalan, kontra-droga at iba pa.

Makikipagkita rin si Duterte sa Filipino community roon.

Pero bago umalis ng bansa, nagpatutsadang muli ang pangulo sa mga kalabang media organizations at muling binigyang-diin ang akusasyon laban sa mga ito.

Napag-usapan din ang dinner nila ni Vice President Leni Robredo na wala pa aniyang eksaktong petsa.

Si Duterte ay nasa ME hanggang Abril 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *