Klase sa ilang unibersidad sa Batangas suspendido ngayong araw

Regional

Suspendido ang pasok ngayong araw (Abril 10) sa ilang unibersidad sa Batangas at mga karatig-probinsiya dahil sa magkasunod na lindol na tumama sa Mabini, Batangas nitong Sabado.

Sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan, suspendido ang pasok para sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Batangas City at Tanauan City.

Wala ring pasok sa Lyceum of the Philippines University sa Laguna.

Nakatakda namang isailalim sa inspeksiyon ang mga pasilidad ng mga paaralan para matiyak na ligtas ang mga estudyante at mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *