Motor rider patay nang magulungan ng 10-wheeler truck sa Parañaque City

Metro News

Patay ang 49-anyos na motor rider matapos magulungan ng ten-wheeler dump truck sa Macapagal Boulevard sa Parañaque City.

Ayon sa pulisya, patungong Norte ang nasabing motor rider nang banggain ito ng truck na kumaliwa galing sa Southbound.

Batay sa salaysay ng ilang saksi, buhay pa ang biktima matapos itong magulungan ng truck.

Pero nang lumabas umano ang truck driver at makitang buhay pa ang motor rider ay tuluyan na niya itong ginulungan.

Nakuha ng mga pulis ang plaka ng truck at inaalam na ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver.

Samantala, sa Navotas, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Chungkang Street, Barangay Tanza sa Navotas nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Ramil Miranda.

Ayon sa pulisya, natanggap nila ang impormasyon mula sa isang barangay tanod na nakakita ng bangkay sa nasabing lugar.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo samantalang natagpuan naman sa crime scene ang isang bolo ng may habang labimpitong pulgada, isang piraso ng kahoy na may bahid ng dugo at isang kutsilyo.

Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *