Oil price hike inaasahang ipatutupad bukas

National News

May inaasahan na namang malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, araw ng Martes.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maglalaro sa piso hanggang sa piso at diyes sentimos ang dagdag sa presyo sa kada- litro ng gasolina.

Samantala, otsenta sentimos hanggang nubenta sentimos naman ang posibleng dagdag sa presyo sa kada-litro ng diesel at kerosene.

Ito ay epekto sa pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *